149

By

‘Oplan Iwas Paputok’, inilunsad na ng DOH

Sharing is caring!

Target ng Department of Health (DOH) na makapagtala ng zero incident ng mga firecracker-related injury sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ginawa ng DOH ang anunsyo sa paglulunsad ngayong araw na ito ng kampanyang “Oplan: Iwas Paputok, Fireworks Display ang Patok! Makiisa sa Community Fireworks sa Inyong Lugar.”

Umaasa ang DOH na mangyayari ang target nito dahil naaprubahan na ang Executive Order No. 28 na nagtatakda ng mahigpit na panuntunan sa paggamit ng mga paputok at pailaw.

Sa ilalim ng Executive Order, pinapayagan lamang ang paggamit ng paputok sa mga community fireworks display para mabawasan ang panganib ng mga nasusugatan dahil sa paputok.

“Be safe during the holidays. I encourage everyone to join community fireworks displays in your barangays. In the unfortunate event of an injury, seek immediate medical treatment for all fireworks-related ones,” saad ni Health Secretary Francisco Duque.

Sa pagsalubong sa taong 2017, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 630 kaso ng fireworks-related injuries mula December 21, 2016 hanggang January 5, 2017.

Wala namang naitala ang DOH na namatay dahil sa paputok sa loob ng nasabing panahon.

“The cooperation among local government units was seen to have contributed to the lowering of firecracker-related injuries. Hence, one of the focus of the ongoing campaign is promotion of the use of alternative means of merrymaking and avoidance of the use of firecrackers especially by school children, which is also one of the provisions stated under the law,” ang bahagi ng pahayag ng DOH.

Tinukoy naman ni Health Secretary Francisco Duque na target nilang mapaigting ang kampanya sa mga bata na kadalasang nabibiktima ng mga paputok. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?