357

Dec 21, 2017 @ 12:31
By

Oplan Galugad sa Manila City Jail isinagawa ng BJMP, PNP

Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ligtas sa anumang kapahamakan ang mga dadalaw sa Manila City Jail (MCJ) ngayong Kapaskuhan.

Ang pagtiyak ay ginawa ni BJMP Jail Warden Randel Latoza matapos na magsagawa ng Oplan Galugad o Operation Greyhound ang naturang ahensiya katuwang ang PNP upang masiguro na walang mga patalim, baril, alak, iligal na droga, baraha at iba na nakatago sa naturang bilangguan.

Isa-isang ininspeksiyon ng BJMP at PNP ang mga kubol sa loob ng MCJ para matiyak na walang mangyayaring riot o kaguluhan ang mga inmates ng naturang kulungan kung saan nakakumpiska ng container ng suka na gagawing tuba, isang kutsilyo, mga pako na kalawangin at sex toys.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng paggalugad ang BJMP at nakakumpiska sila ng alak, patalim, mga baraha, sex toys, mga paraphernalia na gamit sa paghithit ng shabu at iba pa sa iba’t ibang kubol ng MCJ. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?