20

By

‘Oplan Dog-Hang’ ikinairita ni Denden Lazaro

Sharing is caring!

Bwisit at iritado si Cocolife player at women’s national volleyball team member Denden Lazaro sa ordinansa ng isang barangay sa Quezon City patungkol sa mga alagang aso ng nasasakupan nito.

Nitong nakaraang linggo ay naging maingay ang ‘Oplan Dog-Hang’ ng isang barangay sa QC na nag-aabiso sa kanilang nasasakupan na isuko na lang ang kanilang aso para hindi maging abala sa iba.

Sa Twitter post ni Lazaro, sinabi nitong nakakadiri aniya ang ganitong klaseng ordinansa dahil ang turing dapat aniya sa mga aso ay isang pamilya.

“THIS IS ABSOLUTELY DISGUSTING! Dogs are family! Rather than encouraging inhumane and violent acts towards dogs/animals they should be educating pet owners to be more responsible‼”

Bukod sa atleta, halos lahat ng netizens ay hindi masaya sa ganitong klaseng ordinansa at kinondena na rin ito ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS). ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?