41

By

Opisyal umano ng NPA timbog sa Sarangani

Nalambat ng mga awtoridad ang hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) at tinuturong responsable sa panununog ng mga heavy equipment sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong 2015, sa ikinasang operation sa Sarangani province.

Ayon kay Brig. Gen. Alfred Corpus, director ng Police Regional Office-12, nakilala ang suspek na si Jonie Calaba, 25-anyos, vice commander umano ng NPAs Guerilla Front 73 at residente ng bayan ng Kalamansig town, Sultan Kudarat, ang naaresto sa Maitum, Sarangani.

Pinamunuan umano ni Calaba ang Platoon Cherry Mobile ng Front 73 na nago-operate sa Barangay San Jose, Banga, Tupi, Polomolok, Lake Sebu, at bayan ng T’boli sa South Cotabato; at Kiamba, Sarangani.

Sinampahan ng kasong arson si Calaba sa inihaing warrant of arrest with no bail recommended sa kanyang pagkakaaresto matapos ang ginawa umanong pagsunog sa mga heavy equipment na nagkakahala ng PHP35 million at pag-aari ng Silvicultural Industries Inc. noong Marso 7, 2015 sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Kasalukuyang nakakulong si Calaba sa Sarangani Police Provincial Office.

Ayon sa sundalo, kabilang umano si Calaba sa mga NPA na nadakip at napaslang ngayong buwan kung saan nauna si Ramel Baltukan Matagal, kinikilalang team leader ng NPA Front 71 na sumuko umano sa Sarangani police at 73rd Infantry Battalion ng Army noong Oktubre 9.

Sinundan ito ni diumano’y NPA member Tirso Camral Andres, na tinaguriang No. 1 most wanted person sa South Cotabato, na napatay umano sa ikinasang police operation sa bayan ng Lake Sebu.

Nahuli rin si Nicanor Claro Pason, secretary umano ng Front 73 ng NPA at tatlo pang rebolusyonaryo sa operasyon sa Maitum, Sarangani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?