103

Jun 8, 2021 @ 16:15
By

Opisyal ng PNP Aviation Group niratrat sa Tarlac

Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) Aviation Group na nakabase sa Clark Field, Pampanga matapos tambangan sa Tarlac nitong Martes.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si PSSgt. Michael Maun, residente ng Barangay Cristo Rey, Capas.

Nagtamo si Maun ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na pauwi na sa bahay si Maun sakay ng kanyang Toyota Altis nang harangan ng isa pang Toyota Altis na kulay itim.

Bumaba mula sa sasakyan ang dalawang hindi pa kilalang salarin at maraming beses na pinagbabaril ang opisyal.

Natagpuan ang inabandonang sasakyan ng mga suspek sa Baloy, Brgy. Arangonen, Capas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?