139

Dec 24, 2017 @ 12:15
By

Opisyal ng Pasay City gov’t, 2 pa sugatan sa pamamaril

Inaalam pa rin ang mga posibleng motibo sa tangkang pagpatay sa tatlong nag-iinumang lalaki, kabilang na ang mataas na lokal na opisyal, sa Pasay City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Denni Gatchalian, 52, kagawad ng Barangay 118 sa lungsod; Joselito Ocampo, 56, pinuno ng Pasay City Environment Natural Office (PCENRO); at Tristan Ocampo, 34, director ng Veronica Funeral Homes.

Base sa ulat, nag-iinuman ang mga biktima sa Tramo St., sakop ng barangay 113 alas-8:30 nang bigla na lang silang pinagbabaril ng hindi pa mabatid na bilang ng mga salarin.

Agad silang isinugod sa San Juan de Dios Hospital, kung saan maayos na ang kalagayan nina Gatchalian at nakakabatang Ocampo, samantalang kinakailangan pang maoperahan si Joselito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?