71

Jul 5, 2018 @ 15:51
By

Opisyal ng militar todas sa bakbakan vs BIFF sa Maguindanao

Isang junior officer ng 40th Infantry Battalion ang nasawi sa sumiklab na sagupaan sa pagitan ng Moro group na may kaugnayan sa Islamic State.

Ayon sa report, nagsasagawa ng clearing operation sa isang village sa Mamasapano noong Huwebes ang militar nang maka-engkuwentro ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Nagsimula umano ang opensiba ng militar laban sa BIFF noong nakaraang linggo kung saan target ng operasyon si BIFF leader Abu Turaipe na pinaniniwalaang muling nakatakas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?