22
ABANTE-TNT-doj-aguirre-gobyerno
Dec 26, 2017 @ 18:50
By

Opisyal ng gobyerno, tetestigo sa Dengvaxia probe – Aguirre

Isang opisyal mula sa gobyerno ang handa umanong makipagtulungan sa nagpapatuloy na imbestigasyon tungkol sa kontrobersiyal na pagbili ng Department of Health (DOH) sa P3.5 billion Dengvaxia vaccine.

Pero hindi pinangalanan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre kung sino ang nasabing opisyal.

Ito ay para hindi umano makompromiso ang imbestigasyon at mapangunahan ang kanyang magiging testimonya.

Makakausap umano ni Aguirre ang nasabing opisyal pagkatapos na ng bakasyon ng Disyembre.

“This government official is a very, very important witness who knows the transaction from the beginning to end,” paglalahad ni Aguirre.

Sa isang pahinang Department Order Number 763, pinakikilos ng DOJ ang NBI para magsagawa ng case build-up sa posibilidad na magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko ang paggamit ng Dengvaxia. Pinagsusumite rin ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran ng ulat sa kanyang tanggapan kaugnay ng isasagawang imbestigasyon ng kawanihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?