249

Nov 27, 2019 @ 16:24
By

Opisyal ng BuCor patay sa pamamaril sa Muntinlupa

Binaril at napatay malapit sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City nitong Miyerkoles ng umaga ang isang officer ng Bureau of Corrections (BuCor).

Kinilala ng BuCor ang biktima na si CO1 Porferio Bergula, nakatalaga sa Medium Security Compound.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente, may 400 na metro ang layo mula sa entrance gate ng NBP.

Nakatayo umano si Bergula sa harap ng Poblacion Market nang dumating ang riding in tandem at binaril ang biktima alas-10:30 ng umaga, Nobyembre 27.

Agad tumakas ang mga gunman sa direksyon patungo ng San Guillermo St. ng nasabing lungsod.

Naitakbo pa si Bergula sa Medical Center Muntinlupa pero idineklara itong dead on arrival.

Iniimbestigahan na kung sino ang nasa likod ng pag-atake at motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?