12

Jun 16, 2020 @ 15:02
By

Opisina ng BFP sa Iloilo isasara

Ila-lockdown ang mga regional at city office ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Iloilo City sa susunod na tatlong araw matapos isang tauhan nito ang ma-test na positibo ng coronavirus disease.

Maghahain naman ng reklamo ang Iloilo city government laban sa regional BFP office dahil sa kabiguan na agad isurender ang tauhan na kumpirmadong may COVID-19 para mailipat ng quarantine facility.

Nilagdaan na ni Mayor Jerry Treñas ang Executive Order 91 para sa pagpapatupad ng EECQ at maiwasang kumalat pa ang virus.

Ito rin ay upang makapagsagawa ng COVID-19 testing dahil mahigit 100 tauhan umano ng BFP ang na-expose sa positive personnel.

Sa lockdown, hindi maaaring magresponde ang BFP sa anumang transaksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?