91
tacloban
Jan 9, 2018 @ 19:55
By

Operasyon ng Tacloban airport, sinuspinde

Nagsasagawa ng emergency repair sa runway kayat suspindido ang operasyon sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City.

Sarado ang paliparan hanggang alas-8 ngayon gabi.

Sa abiso na inilabas ng Cebu Pacific, apektado ang paglipad ng anim na biyahe ng kanilang mga eroplano.

5J 653/654 – Manila-Tacloban-Manila

5J 657 / 658 – Manila -Tacloban-Manila

At Cebgo DG 6571 / 6572 – Cebu – Tacloban – Cebu

Paglilinaw ni Charo Lagaton, tagapagsalita ng Cebu Pac, hindi naman nakansela ang mga naturang biyahe kundi naantala lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?