7
ABANTE dead agent delivery van
By

Operasyon ng pulisya sa hinoldap na delivery van, puspusan

Sharing is caring!

Puspusan ang isinasagawang follow up operation ng pulisya sa insidente ng panghoholdap sa isang delivery van na nahantong sa pagpatay sa ahente nito kamakalawa sa Esperanza, Agusan del Sur.

Ayon kay SPO3 Daniel Gerodico, ng Esperanza Municipal Police Station (MPS), magdi-deliver ng alak ang closed van sa Veruela, Agusan del Sur pero huminto ang sasakyan sa Crossing Sampaguita sa nasabing bayan bandang alas-3:30 ng hapon, para umihi ang ahente na si Ralf Elisan, 33, binata, ng Brgay. Golden Riboon, Butuan City.

Pero biglang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinasakay pabalik ang ahente sa van bago nagdeklara ng holdap.

Itinali ang mga kamay at paa, piniringan ang mata at nilagyan ng tape ang baba ng ahente kasama na ang pahinante na si Apolonio Pangandian Amero, 23, ng P-3, Brgy. Malikato, Las Nieves, Agusan del Norte.

Pinayuhan naman ang driver na si Joven Estrada, 34, ng P-8, Ampayon, Butuan, na ipagpatuloy lang ang pagmamaneho hanggang umabot sila sa P-5 Duangan, Esperanza ng alas-siyete ng gabi.

Bago tumakas ang mga suspek, pinaputukan si Elisan na sanhi ng kamatayan nito. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?