6

Jul 14, 2020 @ 14:52
By

Operasyon ng PSE balik sa normal

Tuloy na sa operasyon ang Philippine Stock Exchange Inc. (PSE) matapos magsara noong nakaraang buwan dahil sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa gusali.

“Normal na ho ang operation sa Philippine Stock Exchange, kung may ma-report ulit, uulitin lang natin ito… So sa isang kaso, marami ang nagpositibo, sinara natin. Sa isang kaso, walang nagpositibo, sinara natin isang araw…” ani Taguig Mayor Lino Cayetano.

Agad daw nagsagawa ng contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa PSE.

“We did our expanded contact tracing and expanded testing. Kung sa dati ho, lima lang ‘yung te-test natin, ngunit agresibo tayo, ‘yung ginawa natin ‘yung 70… lahat ho negative,” dagdag niya.

Hunyo 24 isinara ang PSE matapos isang empleyado nito ang na-test na COVID-19 positive.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?