45

By

Operasyon ng PITX landport, simula na

Sharing is caring!

Magagamit na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), na pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Lunes.

Sa abiso ng Department of Transportation, simula alas-kwatro ng madaling-araw ang mga provincial buses mula Batangas at Cavite ay maari ng pumasok sa landport, ngunit tanging ang mga city buses lang ang maaring magsakay ng pasahero.

Inatasan na ng kagawaran ang LTFRB na magkaroon ng re-classification ng mga provincial buses bilang city-buses para hindi lang maging ‘last stop’ nila ang PITX sa Metro Manila.

Paliwanag ni Transportation Undesecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon, ito ay para hindi na maabala pa ang mga pasahero mula sa mga probinsiya na sakop ng Greater Manila Area na magpalipat-lipat pa ng masasakyan sa araw-araw nilang pagbiyahe.

Nakapagsumite na rin ng paunang schedule ng mga biyahe at pinag-aaralan na ito ng LTFRB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?