19

Oct 12, 2020 @ 17:14
By

Operasyon ng NAIA pinatigilIS

Suspendido ang lahat ng operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng lightning red alert warning nitong Lunes ng hapon.

Sa advisory, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nag-isyu ang PAGASA ng red lightning alert ng alas-2:40 ng hapon.

Ang inilabas na alerto ay upang maiwasan ang hindi magandang insidente kapag tumama ang kidlat sa lugar.

Ayon sa MIAA, posibleng malagay sa panganib ang mga tauhan dahil sa kidlat at maging ang mga flight operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?