146

Oct 24, 2019 @ 20:15
By

Operasyon ng LRT-1 extended ngayong holiday season

Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation nitong Huwebes na pahahabain nila ang oras ng operasyon ng mga tren ng LRT-1 nitong holiday season.

Simula Oktubre 25 hanggang Disyembre 31, magiging 10 p.m. na ang last trip nito kapag weekdays mula Baclaran Station habang ang huling biyahe naman mula Roosevelt ay 10:15 p.m.

Kapag weekends at holidays, aalis ang huling biyahe ng tren sa Baclaran at Roosevelt Stations ng 9:30 p.m. at 9:45 p.m., ayon sa pagkakasunod.

Ang pagpapalawig umano sa LRT-1 operations ay para maisakay ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero tuwing holiday rush.

Samantala, wala namang pagbabago sa schedule ng first trip ng northbound at southbound trains na 4:30 a.m. kapag weekdays at weekends.

https://www.facebook.com/officialLRT1/posts/1007414936265610

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?