18

Mar 29, 2020 @ 14:33
By

Operasyon ng BI sa NAIA, binawasan

Dahil sa mga kanselasyon ng flight ng mga eroplano at travel restrictions na ipinatutupad dulot ng COVID-19 outbreak ang nag-udyok sa Bureau of Immigration (BI) na bawasan ang operasyon at mga pumapasok na mga manggagawa nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang downscaling sa airport operations ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ay nagresulta upang magtalaga ng skeletal workforce sa NAIA na sapat upang matiyak na tuloy tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga naglalakbay na publiko
“This would enable our personnel to lessen the risk of getting infected by this virus,” anang BI chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?