16
views
ABANTE TNT bi immigration philippines operation
By

Operasyon ng BI, mas pinahaba pa

Sharing is caring!

Matapos maibalik, sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang overtime pay sa mga immigration officer, pinalawig ng Bureau of Immigration (BI) ang oras ng kanilang operasyon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, bumalik ang kawanihan sa dati nitong schedule na ala-7 ng umaga hanggang ala-5:30 ng hapon.

Aniya, ibabalik na rin ng BI ang paniningil ng express lane fee na pinagkukunan ng bayad para sa overtime pay ng mga empleyado ng kawanihan.

Sinabi ni Morente na ikinalulugod nila ang pagkilala ng pangulo sa kritikal na papel ng ahensya sa kampanya ng gobyerno laban sa human trafficking.

“Suklian natin nang matapat at taos-pusong pagserbisyo ang tiwala na ibinigay ng Pangulo sa BI,” apela ni Morenta sa mga kapwa-kawani sa BI. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?