37

Sep 7, 2021 @ 18:05
By

Onyok kinilala ng Kamara

Binigyang-pugay ng Kamara de Representantes ngayong Martes si 1996 Atlanta Olympics boxing silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco Jr., sa kanyang kontribusyon sa Philippine boxing community.

Ibinigay ni Speaker Lord Allan Jay Velasco kay Onyok ang isang Congressional Certificate of Recognition sa isang salu-salo sa Kamara.

Ayon sa lider ng Kamara. hindi maitatanggi na ang panalo ni Onyok ay nagbigay inspirasyon ng mga atleta na mag-uwi rin ng medalya mula sa Olympics.

“Bago dumating ang pandemya, bago ang ating paglahok sa 2020 Tokyo Summer Olympics, 25 years ago, binigyan ng dangal at ibinalik ng isang Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ang respeto ng mundo sa bansang Pilipinas sa ginanap na 1996 Summer Olympics,” sabi ng lider ng Mababang Kapulungan.

Bukod sa certificate ay binigyan din ng Kamara si Onyok ng cash incentives mula sa kontribusyon ng mga kongresista.

Naging kontrobersyal ang laban ni Onyok kay Daniel Petrov Bojilov ng Bulgaria noong 1996 Atlanta Olympics. May mga eksperto na naniniwala na si Onyok ang nanalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?