By

Onsehan sa droga, nauwi sa pananaksak

Sharing is caring!

Nang dahil lamang sa hindi tamang timbang ng biniling shabu, sinaksak ng isang lalaki ang taong binilhan niya ng shabu sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinaksak ng suspek na si Rolando Olidan ang isang Alyas “Pepe”, 32 anyos na kanyang pinagkukunan ng droga.

Nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil halagang P300 piso lamang ng shabu ang ibinigay kay Olidan gayong halagang 700 na shabu ang binili nito.

Inamin naman ng suspek na si Olidan na ibinalik niya ang shabu kay Pepe pero dahil sa kalasingan ay hindi umano niya namalayan na nasaksak niya na pala ito ng itak.

Kasong frustrated murder at paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang kahaharapin ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?