165

Jun 23, 2022 @ 12:57

Online sapi? Live interview nina Julius, Tintin viral

Umani ng samu’t-saring reaksyon sa social media ang panayam ng mag-asawang Julius at Tintin Babao kung saan ‘sinapian’ ang isang babae habang naka-live sa telebisyon.

Ang babae, na kinilalang si ‘Jane,’ ay naka-panayam nina Julius at Tintin sa kanilang programa sa One News PH nitong Hunyo 21. Ang panayam ay tungkol sa mga taong sinasapian.

Habang nasa iniinterview online, bigla na lang tumirik ang mata ni Jane dahilan para putulin nila Julius ang panayam.

Sa isa pang episode, pinakita nina Julius na pinagdasal ni Fr. Ramon Merino si Jane. Mapapanood kung paano tinangkang saktan ng babae ang pari at nagsisigaw pa ito.

Sa ngayon, ni-refer ni Merino sa archdiocese ng Pasig City si Jane dahil doon siya nakatira at ‘yon ang proseso sa simbahang Katolika.

Gayunman, sa comment section, hindi bumenta sa mga netizen ang panayam dahil tila scripted daw ito.

Nadomina ng mga ‘haha’ react ang bawat pag-share sa naturang video ng panayam.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?