10

By

Online petition para ibasura ang quo warranto, isinumite na sa SC

Sharing is caring!

Isinumite sa Supreme Court ng mga tagasuporta ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno ang online petition na kanilang inilunsad na humihiling na mabasura ang quo warranto petition laban sa punong mahistrado.

Ang online petition na pinangunahan ng isang Jack Alvarez ay inilunsad sa pamamagitan ng change.org at nakakalap na ng mahigit 16 libong lagda.

Sa kanilang “Open Appeal to the Supreme Court,” iginiit nila na sa ilalim ng Konstitusyon, sa pamamagitan lamang ng impeachment maaring mapanagot ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Anila, ang quo warranto petition laban sa punong mahistrado ay paglabag sa 1987 Constitution at banta sa kredibilidad ng Korte Suprema bilang isang institusyon.

Tanong pa nila, bakit ang Solicitor-General pa ang nagsulong ng quo warranto petition?

Gayunman, sa ilalim ng Section 2, Rule 66 ng Rules of Court, pinapayagan mismo ang Solicitor General o public prosecutor na maghain ng quo warranto petition kung inutusan ng Pangulo ng Pilipinas, kapag may natanggap na reklamo o kung mayroong matibay na paniniwala para magsulong ng quo warranto proceedings.

Para sa OSG, dahil sa kabiguan ni Sereno na makapagsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa loob ng maraming taon na siya ay nagtuturo pa sa University of the Philippines, bumagsak siya sa sukatan ng integridad kaya nararapat lamang na mapawalang bisa ang pagkakatalaga sa kanya bilang punong mahistrado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?