10
marijuana1
By

Online marijuana seller, huli sa Caloocan

Sharing is caring!

Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos magbenta ng marijuana sa Facebook sa lungsod ng Caloocan kagabi.

Ayon sa Caloocan City Police, wala sa drugs watch list ang suspek na nakilalang si Juanito Fernandez III, 35-anyos, ng Barangay 37, Maypajo ng nasabing lungsod.

Naaresto si Fernandez sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya.

Nasa 250 gramo ng hinihinalang marijuana ang nakuha sa suspek at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Hindi na itinanggi ni Fernandez na nagbebenta siya ng marijuana at inamin ding ginagamit niya ang Facebook para makakuha ng parokyano.

Kinukuha lang umano niya ang kanyang panindang tsongki sa isang supplier na nakilala rin lang umano niya sa Facebook.

Ibinebenta niya umano ang mga ito sa halagang P15,000 sa bawat 250 gramo.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Caloocan City detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?