17

By

Online job hiring sa bansa, umariba

Sharing is caring!

Lumago ng 18 porsiyento ang online job hiring sa bansa noong nakaraang Agosto.

Base sa Monster Employment Index, malaki ang itinaas ng mga online job posting sa retail at healthcare industry na nakapagtala ng 40 porsiyento at 33 porsiyentong paglago.

Halos walang pagbabago naman sa business process outsourcing o call center industry gayundin sa information technology services.

Base pa rin sa survey, ang mga professional sa purchasing, logistics at supply management ang naging pinaka-in demand sa online job postings.

Ito ay bunsod ng ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno na nakatuon sa pagpapatayo ng mga impraistraktura.

Ayon kay Monster.com Chief Executive Officer Abhijeet Mukherjee, ang agresibong infrastructure program ang maaring maging susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?