21

By

Online fake news, gawing election offense – poll watchdog

Sharing is caring!

Inihirit ng isang poll watchdog na dapat ay ikunsiderang election offense ang pagsisimula at pagpapakalat ng fake news na may kinalaman sa eleksyon o kandidato.

Bunga nito, hinihikayat ng Kontra Daya ang Comelec maging ang mga netizen na suriin at bantayan ang mga social media sa pagkalat ng fake news.

Naniniwala ang grupo na titindi na ang paglaganap ng mga pekeng impormasyon sa social media habang papalapit na ang eleksyon.

Pagdidiin nila, ang paglaganap ng misinformation and disinformation sa cyber world ay isang seryosong bagay na maaaring ikunsidera na isang uri na ng pandaraya.

Sinabi pa ng Kontra Daya, na dapat at papanagutin ang mga nasa likod ng fake news para matiyak ang malinis at may kredibilidad na halalan.

“The lies, misinformation and disinformation resulting from the activities of online trolls cannot be denied. Any attempt to deceive the electorate should be exposed and those responsible for it should be made accountable,” ayon sa grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?