61

Aug 1, 2021 @ 12:56
By

Online concert idadaos para kay PNoy

Isang virtual concert ang iaalay ng mga big star kay dating pangulong Benigno Aquino III sa Lunes, Agosto 2, kasabay ng kanyang 40th day commemoration.

Pinamagatang “Salamat PNoy: Alaala at Alay ng Musikang Pinoy” ang gaganaping event bukas, alas-8 ng gabi.

Inorganisa ang nasabing concert ng Radyo Katipunan na siyang opsiyal na radio station ng kanyang alma matter na Ateneo de Manila University, Bayanihan Musikahan, at Kaya Natin.

Kabilang sa mga magtatanghal sina Agot Isidro, Dingdong Dantes, Ebe Dancel, Enchong Dee, Erik Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Hunyo 24 nang pumanaw si “PNoy” dahil sa renal disease.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?