45

Sep 28, 2021 @ 12:57
By

Ongpin itinanggi pag-aaway nila ni Jonson – pulisya

Isiniwalat ng isang police officer sa La Union ang testimonya ni Julian Ongpin kung saan sinabi umano nito na hindi sila nagkaroon ng pagtatalo ni Bree Jonson ilang sandali bago natagpuan ang walang buhay na katawan nito.

Ito umano ang sinabi ni Ongpin ayon kay Police Regional Office 1 Regional Director Police Brig. Gen. Emmanuel Peralta.

Si Ongpin ang huling kasama ni Jonson sa La Union bago ito matagpuang wala ng buhay sa nirentahan nilang kwarto.

Ayon umano kay Julian, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin, ang nakita sa CCTV ay ang punto na pinipigilan niyang uminom ng wine si Jonson.

Sinabihan din umano niya ang yumaong artist na pupunta siya ng ibang bansa kaya’t pinigilan siya nito.

Sa pahayag naman ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, nakita umano nila sa kuha ng CCTV ang pag-inom ni Ongpin ng wine sa labas ng kanilang kwarto.

Sinundan raw siya ni Jonson at nag-usap kung saan tila nagkaroon sila ng pagtatalo.

“Ang nakalagay doon ‘like,’ like ang kanilang ano. So, well of course, kagaya nga ng sinabi natin wala naman tayong [conclusion]… Ito kasi kinuha lang yung bandang huli na magkasama sila,” ani Eleazar.

Samantala, patuloy naman ang paniniwala ng pamilya ni Jonson na may kinalaman si Ongpin sa kamatayan ng biktima. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?