270

Nov 26, 2021 @ 22:11
By

Ong, Dargani itatapon sa Pasay City Jail

Ipinag-utos ng Senate blue ribbon committee na ipakulong sina Pharmally Pharmaceutical Corp. executives Mohit Dargani at Linconn Ong sa Pasay City Jail.

Ito ay matapos muling mabigong ibigay ang kinakailangang dokumento para sa imbestigasyon sa “overpriced” na COVID-19 medical supply.

Ito’y matapos aprubahan ng komite ang mosyon ni Senador Francis Pangilian na ilagay sina Dargani sa kustodiya ng Pasay City Jail matapos igiit na hindi nila alam kung nasaan ang kahon ng financial documents ng Pharmally sa kasalukuyan.

Bago ang kautusan, parehong nakakulong ang dalawa sa Senado matapos ma-cite for contempt dahil sa pagiging mailap sa mga tanong ng mga senador at hindi pagdalo sa mga pagdinig.

Ang kapatid ni Mohit na si Twinkle, ang pangulo ng Pharmally na nakakulong rin sa Senado, ay ipapadala sa Correction Institute for Women sa Mandaluyong City.

Imumungkahi rin ng komite na i-admit si Twinkle sa National Center for Mental Health matapos makaranas ng isyu sa kanyang mental health. Subalit sinabi ng komite na maaring ang doktor na lang ang bibisita sa kanya sa Senado.

Ang financial documents ng Pharmally ang pinaniniwalaan ng mga senador na susi sa imbestigasyon sa papel ng kompanya sa pagbili ng pandemic supply na ginawa ng Procurement Service of the Department of Budget and Management.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?