57

Feb 17, 2020 @ 14:09
By

One-way traffic scheme ipinatupad sa West Service Road sa Muntinlupa

Sinimulan na nitong Lunes, Pebrero 17 ang one-way traffic scheme sa West Service Road sa Muntinlupa.

Bunsod ito sa konstruksyon ng Skyway Extension Project.

Ang southbound lane lang ang madadaanan sa service road habang ang mga motorista na papuntang northbound ay dapat dumaan sa East Service Road patungong Sucat.

Simula sa Alabang Hills patungong Alabang-Zapote Road ang one-way traffic na hanggang Mayo 2020 ipatutupad.

Maaari namang dumaan ang mga trak at bus sa Skyway at-grade o ang ground level portion ng highway.

Nakatakdang matapos ngayong taon ang Skyway Extension Project Stage 3.

Magkokonekta ito sa North Luzon Expressway at magpapaiksi ng biyahe sa pagitan ng Metro Manila at Clark International Airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?