13

By

One-two punch ng Tamaraws, pinigilang maglaro ng coach

Sharing is caring!

Inamin ni Far Eastern University Tamaraws head coach Rey Diaz na hinarang niyang maglaro sina Richard Solis at Jude Garcia sa indoor volleyball dahil sa beach volleyball.

“Meron kasi kaming beach volleyball kaya sina Solis at Garcia, pinull-out ko muna,” sabi ni Diaz pagkatapos nilang matalo kontra sa University of Perpetual Help Altas, 25-19, 22-25, 25-21, 18-25, 13-15.

“Pag naglaro sila sa indoor, mahihirapan sila. Ayoko namang ma-injury sila dahil lang sa sarili kong kagustuhan,” dagdag pa nito.

Wala pang naiuuwi na panalo ang Tamaraws pagkatapos silang talunin ng University of Santo Tomas Golden Spikers sa kanilang unang laban, 25-19, 25-13, 25-20.

“Sinacrifice ko muna ‘yung [indoor volleyball], kahit gusto nila maglaro para makapag-focus muna sila sa [beach volleyball],” saad ni Diaz.

Sina Solis at Garcia ang one-two punch ng Tamaraws, at nadala nila ito sa semifinals ng nakaraang UAAP season. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?