33

May 30, 2021 @ 14:34
By

One Town, One Product program umabante sa Kamara

Umusad na sa Kamara ang panukalang One Town, One Product (OTOP) program sa bansa.

Ang panukalang OTOP Philippines Act (House Bill 9350) ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga micro, small and medium enterprise (MSME) upang gumawa ng produkto na naaayon sa kanilang lugar.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang inatasan na magbigay ng tulong sa paggawa ng disenyo ng produkto, packaging at labeling nito at pagpapaunlad ng teknolohiya na ginagamit para tumaas ang kalidad ng produkto.

Layunin ng panukala na gawing competitive ang isang lugar.

Nakasaad din sa panukala ang paggawa ng One Town, One Product Philippines Trustmark na magiging garantiya na ang produkto na malalagyan ng ganitong marka ay mayroong mataas na kalidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?