32

By

ONE: Torres kakaldagin si Radzuan

Determinado si Jomary Torres na mapabilang sa winner’s circle ng mga Pinoy sa nalalapit nitong laban kay Malaysian Jihin Radzuan sa “ONE: Master of Destiny” sa Hulyo 12 na idadaos sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Katuwang ng 23-year old fighter si One veteran Rene Catalan sa puspusan nitong pag-eensayo.

Matatandaang naging mailap ang panalo kay Torres sa tatlong sunod na pagkakataon kontra kina Priscilla Hertati Lumban Gaol, Mei Yamaguchi, at Lin Heqi ngunit hindi ito naging dahilan para panghinaan siya ng loob bagkus naging instrumento pa niya ito na mas pag-igihin ang sarili.

“It will be a good fight. Jihin is a good fighter,” sabi ni Torres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?