34

By

One-strike policy, paiiralin sa mga lugar na may indiscriminate firing

Sharing is caring!

Iiral muli ang one-strike policy ng Philippine National Police (PNP) ngayong holiday season sa mga lugar na may magaganap na indiscriminate firing at mamatay ang biktima.

Ayon kay Police Senior Supt. Rudolph Dimas, Public Safety Division Chief ng Directorate for Operation, agad na silang naglabas ng memoramdum hanggang sa mga PNP lower units kaugnay one-strike policy na ito.

Layon nitong mabantayang mabuti ang kanilang mga area of responsibility at maiwasan ang indiscriminate firing na posibleng magresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng mga biktima.

Paliwanag ni Dimas, kapag may namatay sa isang lugar dahil sa indiscriminate firing, dapat na maaresto sa loob ng 24-oras ang suspek at kung hindi ito magagawa ay tiyak na iiral ang one-strike policy na ang ibig sabihin ay agad masisibak ang isang PNP commander dito.

Sa nakalipas na taon, ayon kay Dimas, 22 stray bullet cases na ang naitala ng PNP Directorate for Operations sa buong bansa. Ito ay mula Disyembre 16, 2016 hanggang Enero 4, 2017. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?