332

Mar 16, 2018 @ 17:33
By

One-stop shop para sa lisensiya ng baril, bukas na sa Crame

Binuksan na sa publiko ngayong araw ang one-stop shop building ng Civil Security Group (CSG) sa loob ng Camp Crame.

Ang one-stop shop ay para hindi na mahirapan pa ang mga kumukuha ng lisensiya o magre-renew na nagmamay-ari ng baril.

Maging ang pagpoproseso ng mga dokumento ng mga security guard o PNP Supervisory Office on Security and Investigation Agencies o SOSIA ay maaari na rito.

Paikot-ikot kasi dati sa iba-ibang gusali sa Camp Crame ang pagpapalisensiya at pagpapadokumento.

Ngayon makikita na sa gusali ang mga kinatawan mula sa PNP Health Service, PNP Crime Laboratory, PNP Finance Service at PNP Firearms Explosive Office.

Inamin naman ni Dela Rosa na natagalan ang pagpapagawa ng mga gusali dahil sa ilang bulilyaso kung saan umabot pa sa puntong pinalitan nila ang kontraktor at sinibak ang ilang tauhan ng PNP Engineering Service para lamang matuloy ang konstruksiyon at matapos ang gusali.

Pinangunahan ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang turnover at blessing ceremony ng gusali na makikita mismo sa EDSA gate ng Camp Crame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?