7

Oct 17, 2020 @ 16:07
By

One-seat apart sa PUV pinag-utos ng LTFRB

Epektibo na ang one-seat apart policy na papalit sa one-meter distancing rule sa mga pampublikong sasakyan.

Pero ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), papayagan na ang mga pasahero na magkatabi basta’t mayroong plastic barrier na maghihiwalay sa kanila.

Nakasaad iyon sa updated health protocols para sa mga public utility vehicle (PUVs) na inilabas ng LTFRB sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2020-061.

Dapat magsuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng PUV.

Ipinagbabawal pa rin ang pagsasalita at pagkain sa loob ng mga pampublikong sasakyan habang ang mga pasaherong may sintomas ng COVID-19 ay hindi maaaring bumiyahe.

Para naman sa mga operator at driver, inatasan sila ng LTFRB na maglaan ng sapat na ventilation sa loob ng mga sasakyan na palagi ring dapat dini-disinfect.

Maliban sa regular na disinfecting agents, pinapayagan nila ang paggamit ng UV lights.

Dahil effective immediately ang memorandum, nagbabala ang LTFRB na may karampatang parusa gaya ng multa at kanselasyon o suspensiyon ng prangkisa o Certificate of Public Convenience ng unit sa mga hindi susunod sa itinakda nilang mga guideline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?