75

Apr 17, 2020 @ 17:27
By

One of the best! Duque todo-puri sa Marikina COVID testing center

Matapos ang matagal na pagkaantala ng pagpayag ng Department of Health (DOH) na magsimula nang magbigay serbisyo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) Testing Center ng local government unit (LGU) ng Marikina City, nagbigay naman na papuri si (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos ang isinagawang inspeksyon sa testing facility nito, Biyernes ng umaga.

“This is a model for other and one of the best laboratories in the country,” ito ang sinabi ni DOH Sec. Duque.

“So, higit sa lahat. ito ang pinaka-halaga ng pagpapatayo ng laboratoryo ni Mayor Marcy Teodoro. Sana maging modelo ito sa mga ibang local government units upang mapaigting o mapalawig ang testing capacity,” Dagdag pa ng kalihim.

“Okay naman, maganda. It is one of the best laboratories I’ve seen. Mukhang magandang-maganda ang pagkakagawa, maayos ang layout talagang sinunod ang mga equipment, ang furnishing, tastefully executed,” ayon pa dito.

Maipagmamalaki umano ang nagawa ni Mayor Marcy Teodoro na maaaring magaya ng ibang LGU.

“Malaki ang tulong nito sa mga mamamayan ng Marikina, Antipolo, at Rizal. Hindi na kailangan lumayo pa, nandito na, malapit na. Magandang serbisyo ito sa mga mamamayan ng Marikina,” ayon pa dito.

Umaasa si Duque na makikiisa ang ilang kalapit na LGU at inilaan din ang testing center hindi lang para sa Marikenyo kundi sa iba pang kalapit na bayan at naapektuhan ng virus.

Nilinaw naman ni Mayor Marcy Teodoro na nahasa na sa training ang mga medical technologists at laboratory technicians na magpapaikot sa center at kumpleto na sila sa requirements at protocols ng DOH.

“Sa kasaluluyan, tinatapos na natin iyong huling dalawang training na kinakailangan based on protocol sa pagbubukas ng molecular diagnostic laboratory. Ito ‘yung biosafety and security training, and proficiency training,” ayon sa alkalde.

Layunin ng testing center ay agad na ma-monitor kung sino ang may sakit at kung sino ang posibleng magkasakit para maagapan at makatulong sa mga walang kakayanan na magpagamot.

https://www.youtube.com/watch?v=3kjmQQWaR2k
https://www.youtube.com/watch?v=z3skOsMIO08
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?