236
One good vote, solusyon sa limang suliranin ng bayan - Archbishop Villegas
Apr 11, 2019 @ 16:15
By

One good vote, solusyon sa limang suliranin ng bayan – Archbishop Villegas

Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na “one good vote” ang sagot sa kahirapan, korapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan.

Ayon kay Villegas na dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mahalagang gamitin ng mga botante ang eleksyon bilang oportunidad na makapili ng mga karapat-dapat na mamuno sa pamahalaan.

Inilunsad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang “one good vote” campaign sa University of Pangasinan sa layuning imulat ang kaisipan ng mga botante sa kahalagahan ng kanilang mga boto.

Ipinaliwanag ng arsobispo na lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti pero ang politika ay likha aniya ng tao na maaaring makabuti o makasama.

Ang one good vote aniya ang magiging solusyon sa limang suliranin ng bayan — ang kahirapan, korapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan.

“Vote for God, Vote for Life, Vote for courtesy, vote for good manners, vote for charity, vote for the poor, mangako tayo ngayon sa harap ng Diyos, bubuti ba ang pulitika? bubuti ang politika at magsisimula sa kabutihan ko,” pahayag pa ng arsobispo.

Sa tala ng Commission on Elections, mahigit sa 60 milyon ang bilang ng mga botante para sa May 2019 elections na pupuno sa 18,000 posisyon sa national at local government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?