77

Aug 3, 2019 @ 13:51
By

ONE: Folayang ‘nganga’ ulit

Nanaig ang lakas ng kalaban at nabigo ang pambato ng Team Lakay at former ONE Lightweight World Champion na si Eduard ‘Landslide’ Folayang kontra American mixed martial arts star Eddie ‘The Underground King’ Alvarez sa ONE: Dawn of Heroes, Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Matatandaan na nagkakahulan lang ang dalawa para sa titulo at ngayon, tinupad ni Alvarez ang kanyang plano na talunin si Folayang nang madalian lamang matapos ang ginawang submission victory.

Nagmistulang kidlat ang laban matapos na patumbahin agad ng 35-anyos na Kano si Folayang sa unang round pa lang ng kanilang bakbakan matapos sumuko ang manok ng Team Lakay dahil sa rear-naked choke na tumagal lamang ng 2 minuto at 6 na segundo.

Ang panalo ni Alvarez ay magbibigay sa kanya ng ticket patungo sa Finals ng lightweight world grand prix.

Naging mapait na pagkatalo naman ito para kay Folayang nang matalo rin siya ni Shinya Aoki nitong Marso sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?