11

By ,

ONE FC: Belingon reresbak kay Fernandes

Sharing is caring!

War mode na si Kevin Belingon sa muli nilang paghaharap ni Bibiano Fernandes para sa ONE Championship bantamweight title sa Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.

Huling nagharap ang dalawa may dalawang taon na ang nakakaraan at ang labang ito ang magiging main bout ng ONE Championship: Heart of the Lion.

“I trained very hard for the match this coming Friday. I’ve waited for a long time to face Bibiano Fernandes again. I am 100 percent ready and confident,” sabi ni Belingon. “I will do my best to win this time.”

Matatandaan na anim na magkakasunod na panalo ang nalasap ni Belingon bago ito napayuko ni Fernandes sa huli nilang paghaharap.

Nangako naman si Fernandes na muli niyang pababagsakin ang Team Lakay fighter gaya ng ginawa niya dito dati.

“I fought him in the past. I finished him before, and I will finish him again. I am ready for the war on Friday, and I am prepared to do my best,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?