151

By

‘Onanay’ ni Nora Aunor, pinuri ng netizens

Sharing is caring!

Nagsimula nang umere kahapon, Monday, July 6 ang seryeng “Onanay” nina Nora Aunor, Cherie Gil, Adrian Alandy, Mikee Quintos, Kate Valdez at Jo Berry (in her first starring role on TV), at sa direksyon ni Gina Alajar.

Patok sa netizens ang mabilis at kakaibang kuwento ng bagong primetime show ng GMA na ipinapalabas pagkatapos ng “Victor Magtanggol” ni Alden Richads.

Mula kay edgolbin (@edgolbin): “#Onanay not your typical teleserye. Kudos to @gmanetwork for coming up with a ground-breaking stories that defy the norms. Very good story and fast paced.”

Sabi naman ni Mai (@fluffysugarsock): “i have to say… #Onanay right after #VMAngMjolnir is the kind of content that viewers deserve. This is looking like a great line-up @GMADrama.”

Nanawagan naman si Super Ian (@super_ian_boy) na suportahan ang bagong programa ni La Aunor & company, wika niya, “New and original concept like #Onanay changes the landscape of Philippine soap opera. This kind [of] must receive the most support.”

Maliban sa mga nabanggit naming miyembro ng stellar cast sa itaas, kasama rin ang ilan pang Kapuso stars tulad nina Wendell Ramos, Gardo Versoza, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral, Enrico Cuenca at marami pang iba.

“Onanay” is aired nightly- Monday to Friday- sa telebabad block ng Kapuso Network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?