18

Aug 2, 2021 @ 11:00

‘On the Job’ ni Erik Matti pang-international

Kasali ang pelikulang “On the Job: The Missing 8” ni Erik Matti sa ika-78 Venice Film Festival sa darating na Setyembre.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang naturang pelikula lamang ang tanging nakapasok na Asian film sa nasabing patimpalak kasama ang 21 pang international movies.

Ang nasabing HBO Asia Original series ay ang karugtong ng “On the Job” ni Matti noong 2013 na pinagbidahan nina Joel Torre, Gerald Anderson, Piolo Pascual, at Joey Marquez.

Ang naturang pelikula ay hango umano sa “true events” na sumesentro sa buhay at sabwatan ng mga sindikato at politiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?