38

By

‘Ompong’ tumama na sa kalupaan ng Cagayan

Sharing is caring!

Nag-landfall na ang super typhoon ‘Ompong’ sa Baggao, Cagayan bandang alas-1:40 ng madaling-araw nitong Sabado, Setyembre 15, batay sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pinalikas na ang libo-libong residente sa nasabing lugar dahil sa hagupit ng Ompong na abot 200 kph ang lakas ng hangin na mararamdaman na maaring magdulot ng storm surge sa mga malalapit sa dalamapasigan na posibleng umabot ng tatlo hanggang anim na metro, pati na ang ilang pagbaha at landslide.

Makikita na sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mga nabubuwal na puno, sign board sa kalsada, at iba pang mga gamit tulad ng basurahan na bumabagsak dahil sa malakas na hangin.

Sa Cagayan, 36,000 katao na ang dinala sa 500 evacuation centers bago pa man tumama ang Ompong, may international name na Mangkhut, ngunit hindi lahat ay nailikas dahil mas pinili na manatili upang bantayan ang kanilang mga tirahan ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Handa naman ang lugar sa mga posibleng mangyari sa pag-antabay ng mga rescue team, militar, at medical at emergency response teams. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?