18

By

Ompong: Signal no. 4 nakataas sa Ilocos Norte, 4 pa, Signal no. 3 sa 8 lugar

Sharing is caring!

Sa pagpasok sa kalupaan sa Hilagang Luzon ng tropical cyclone ‘Ompong’ nitong Sabado, Setyembre 15, karamihan sa mga lugar sa rehiyon ang nasa ilalim na ng storm signal kahit pa bahagyang humina ang nasabing bagyo.

Sa ngayon, bumababa sa 185 kilometer per hour (kph) mula sa 200 kph ang maximum winds ng bagyo, samantalang bumaba rin ang pagbugso nito sa 305 kph mula 330 kph ngunit mataas pa rin kumpara sa mga nagdaang bagyo.

Para sa listahan ng mga lugar na may nakataas na storm signal ngayong Sabado, Setyembre 15, ang mga ito ay ang:

Signal No. 4:

Ilocos Norte
Babuyan Group of Islands
Apayao
Abra
Kalinga
Signal No. 3:

Cagayan
Batanes
Ilocos Sur
La Union
Mountain Province
Benguet
Ifugao
Hilagang Isabela
Signal No. 2:

Timog ng Isabela
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Tarlac
Nueva Ecija
Aurora
Zambales
Quirino
Pampanga
Bulacan
Hilagang Quezon kasama ang Polillo Island
Signal No. 1:

Bataan
Rizal
Metro Manila
Cavite
Batangas
Laguna
Timog ng Quezon
Lubang Island

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?