21

By

Ompong: Signal No. 3 nanatili pa rin sa 11 lugar, lakas ng bagyo walang pagbabago

Sharing is caring!

Bagama’t nakalabas na ng kalupaan ng Luzon ang tropical cyclone na ‘Ompong’ nanatili pa ring nakataas ang storm signal warning sa kalakhan ng rehiyon dahil sa pananatili ng lakas nito.

Sa report ng PAGASA bandang alas-2 ng hapon, mayroon pa ring lakas ng hangin na 170 kilometers per hour (kph) ang bagyo, may pagbugso na aabot naman hanggang 260 kph.

Ala-1 naman ng hapon ng huling mamataan ang sentro ng bagyo sa 85 km sa kanluran ng Laoag, Ilocos Norte.

Ito ang mga nakataas na storm signals sa ilang mga lugar:

SIGNAL NO. 3

· Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands

· Batanes

· Ilocos Sur

· Ilocos Norte

· La Union

· Mountain Province

· Benguet

· Ifugao

· Kalinga

· Apayao

· Abra

SIGNAL NO. 2

· Isabela

· Nueva Vizcaya

· Pangasinan

· Tarlac

· Nueva Ecija

· Aurora

· Zambales

· Quirino

· Pampanga

· Bulacan

SIGNAL NO. 1

· Bataan

· Rizal

· Metro Manila

· Cavite

· Batangas

· Laguna

· Lubang Island

· Northern Quezon kasama ang Polillo Island

Maaring makaranas ng hanggang tatlong metrong storm surge sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, dalawang metro na taas sa La Union at Pangasinan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?