22

By

Ompong patuloy ang paghina sa paglabas ng Luzon

Sharing is caring!

Tuloy-tuloy ang pagbagal at paghupa ng hangin ng bagyong Ompong sa paglabas nito sa kalupaan ng Luzon nitong Sabado, Setyembre 15.

Sa pinakabagong report ng PAGASA nitong alas-11 ng tanghali, nasa 170 kilometer per hour (kph) na lang ang taglay na lakas ng hangin ng Ompong at pagbugso na abot ng 260 kph.

Dahil sa paghina, ibinababa na ang mga lugar na itinaas kanina sa signal no. 4.

Ito ay ang:

SIGNAL NO. 3

· Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands

· Batanes

· Ilocos Sur

· Ilocos Norte

· La Union

· Mountain Province

· Benguet

· Ifugao

· Kalinga

· Apayao

· Abra

SIGNAL NO. 2

· Isabela

· Nueva Vizcaya

· Pangasinan

· Tarlac

· Nueva Ecija

· Aurora

· Zambales

· Quirino

· Pampanga

· Bulacan

SIGNAL NO. 1

· Bataan

· Rizal

· Metro Manila

· Cavite

· Batangas

· Laguna

· Lubang Island

· Northern Quezon kasama ang Polillo Island

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,