21

By

Ompong kinuha ang buhay ng 25 katao

Sharing is caring!

Sa pananalasa ng tropical cyclone Ompong, tinatayang 25 katao ang nasawi sa paghagupit nito sa kalupaan ng Luzon noong Sabado, Setyembre 15.

Saad ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino sa report ng dzBB, 20 ang namatay sa rehiyon ng Cordillera, apat sa Nueva Vizcaya, at isa naman sa Ilocos Region, kasama na ang pamilya na natabunan ng landslide sa Baguio City dahil sa Ompong.

Nananatili namang zero casualty pa rin sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela na isa sa naging sentro ng pananalasa ng bagyo.

Sa pag-alis ng Ompong sa Philippine Area of Responsibility gabi ng Sabado, wala pa ring ilaw sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon at ginagawa na ang lahat para maibalik ang suplay ng kuryente sa normal ayon ni Tolentino.

Nakahanda na rin ang gobyerno sa pamamahagi ng relief goods sa mga pamilya at taong nasa liblib na lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?