28

By

Ompong: Cagayan, Isabela nananatiling zero casualty

Sharing is caring!

Wala pang naitatalang casualty ang mga opisyal ng Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ompong sa lalawigan.

Sa briefing ng Provincial Disaster Coordinating Council na pinangunahan ni Presidential Adviser for Political Affairs secretary Francis Tolentino sa Tuguegarao City, isa-isang nagreport ang mga opisyal sa sitwasyon sa mga bayan sa Cagayan at Isabela.

Sinabi ni Isabela Governor Bodjie Dy III na sa ngayon ay wala pang report na mayroong nasawi sa bagyo at hinihintay pa nila ang report na manggagaling sa mga liblib na bayan.

Maging si Cagayan governor Manuel Mamba ay wala pa ring natatanggap na report ng casualty kaya umaasang sana ay ligtas ang lahat ng mga Cagayano sa kalamidad.

Inireport ng mga opisyal kay Secretary Tolentino na maaga nilang inabisuhan at inilikas ang mga mamamayan kaya naging maayos ang paglalatag ng precautionary measures.

Epektibo anila ang information dissemination na ginagawa ng mga local executives kaya wala pang naire-report na nasawi sa bagyong Ompong.

“Sa report ng Isabela as of 2:00 PM, Sept. 15, no reported casualty sa aming lalawigan, at nasa 20,098 ang mga evacuee na kinakanlong ngayon sa iba’t ibang evacuation centers,” ani Governor Dy. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?