5
playing-chess
By

Omidi ng Iran pisak kay Miciano sa Asian Youth Chess

Sharing is caring!

Sampa sa top spot si Pinoy FM John Marvin Miciano sa Asian Youth Chess Championships Standard event matapos manalo sa kanyang third round match kamakalawa sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand.

Pinisak ni Miciano, pambato ng Far Eastern University chess team at ni multi-titled coach GM Jayson Gonzales, si Arya Omidi ng Iran sa 32 moves ng Sicilian defense para ilista ang malinis na tatlong panalo sa Under-18 division.

Apat na manlalaro ang humahabol kay Miciano na may tig-2.5 points, ito’y sina fellow Pinoy Daniel Quizon, Timur Nurzhanov ng Kazakhstan, FM Zhihang Xu ng China at FM Guha Mitrabha ng India.

Nakipaghatian ng puntos si Quizon kay Nurzhanov.

Sa Under-12 division, nakisalo sa liderato si Mark Jay Bacojo ng Dasmariñas City, Cavite, may tatlong puntos at kasama ang lima pang manlalaro.

Kinalos ni Bacojo si Dias Alimbetov ng Kazakhstan.

Nagpakitang-gilas din si Jerish John Velarde ng Lapu-Lapu City nang talunin si Chen Kai-Chun ng Chinese-Taipei tungo sa 2.0 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?