ABANTE bong revilla laya
By

Ombudsman, umangal sa delaying tactics ng kampo ni Bong Revilla

Sharing is caring!

Umapela ang Ombudsman prosecutors sa Sandiganbayan na gawan ng paraan ang anila’y pag-antala ng kampo ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa pork barrel case proceeding sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga argumento ng mga abogado nito.

Kanina’y hindi na naman natuloy ang pagprisinta ni Revilla ng kanyang depensa sa anti-graft court First Division.

Pang-limang beses na itong naantala mula sa unang petsa na Enero 25.

Ang dahilan ng pinakahuling delay ay ang urgent motion ng lead counsel na si Estelito Mendoza para i-require ang prosekusyon na tukuyin ang mga ebidensiyang may kaugnayan sa umano’y ill-gotten wealth ng kanyang kliyente.

Pero giit ng prosekusyon, “very inaccurate, if not misleading” ang gustong mangyari ng kampo ni Revilla dahil simula pa noong Oktubre ay alam na nito ang mga ebidensiya nang tapusin nila ang pagprisinta.

“This Honorable Court is a court of law and noble magistrates. It cannot be hypnotized by accused Revilla’s chanting of repeated arguments, which were passed upon by this Honorable Court,” ayon sa prosekusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?