108
janet-lim-napoles1
Mar 28, 2018 @ 15:45
By

Ombudsman, tutol na mailipat si Napoles sa DOJ

Hiniling ng prosekusyon sa Sandiganbayan Fifth Division na ibasura ang mosyon ni Janet Lim Napoles na mailipat siya sa kustodiya ng DOJ sa ilalim ng Witness Protection Program(WPP).

Sa inihaing opposition, binigyang-diin ng Ombudsman na si Napoles ay isa sa mga indibidwal na may baluktot na sense of entitlement.

Akala umano ni Napoles ay angat ito sa ibang bilanggo kaya kung ano-anong demand ang inihihirit.

Pero hindi umano kuwalipikado si Napoles sa WPP at lalong wala silang intensiyon na gamitin ito bilang state witness.

Binigyang-diin ng prosekusyon na alinsunod sa batas ay dapat manatili sa kulungan si Napoles habang nililitis lalo pa at tinanggihan na ng korte ang hiling nitong makapgpiyansa.

Kasabay nito, naniniwala ang prosekusyon na hindi sapat ang raid sa selda ng pork barrel scam queen para ilipat ito ng kustodiya dahil ang nangyari ay regular na greyhound operation ng BJMP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?